"Laging ikaw"
Pagdating ng gabing malamig hindi ka maalis-alis
Kagaya mo ang bituing nagnining-ning
Sa tuwing gabi ika'y naiisip
Para kang sikat ng araw na hindi maitutulad
Sa umaga at sa gabi laging ikaw ang nasa isip
Laging ikaw ang sigaw ng aking damdamin
Kapag ika'y aking nakikita namumula ang aking mukha
Lagi kang inaabangan sa daan
Kahit na anumang mangyari sa akin
Wala na akong pipiliin pang iba ikaw lang
Simula nung una kitang makita ako'y nabihag mo
Sana iyong maramdaman ang puso mo't kaluluwa
Hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba
Kahit na maging sinu ka man
Pangako ko sa'yo hindi kita iiwan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento